25.1.07

AY '06-'07 2nd Sem PanPil 17 current events paper

Ang mga Barbie sa PEP.ph

Nagpa-lipo daw ng pwet si Yasmien.

Argh. Sabi ni Ma’am maraming artik na maikokonek sa “Unbearable Heaviness” ni Roselle Pineda. Pero si Yasmien pa lang at ang pwet nya ang nahagilap ko.

Hmmm… bakit yung pwet? Hindi ba “ass-et” dapat yun pag medyo malaki yung buttocks mo? Akala ko pa naman 36-24-36 ang ideal woman? Weird.

Pero teka, ano nga ba itsura ni Barbie? Maliit ba buttocks nya? Ah, siguro tama nga si miss roselle… karamihan ng babae, or siguro ilan sa mga na-feature sa PEP.ph, ay nangangarap na magkaron ng Barbie-like na katawan. Hindi naman malaki pwet ni Barbie eh. Pero relatively, malaki boobs nya, compared sa framework ng katawan nya. Siguro hindi maaabot ng mga artistang pinoy ang projected height ni Barbie, pero binabawi nila sa boobs nila. And as if that’s not enough, yung iba [especially yung mga young prospects], they proceed to baring their flesh to the press. Para ma-emphasize yung laki ng mga dibdib nila.

Hayun, tsaka ako nakarating sa isang video na may captions na “Ilan sa mga baguhang young stars ngayon ay lumalabas sa mga sexy pictorials ng men's magazines. Dapat ba nilang gawin ito para sumikat?”. Sa ibaba nun may isang comment, galing sa isang nagngangalang “Veronica”:

Kung wala kang talent, magpa-sexy ka. Kung me talent ka, hindi mo na kailangang maghubad pa lang magkaroon ng fans. Physical aspects fades[sic]. Talent lasts.

Natuwa naman ako. Kasi naisip ko, ano nga ba yung mga talent ni Barbie? Pwera sa magpa-cute, magdamit na pang-model, ano pa ba? Hindi naman yata talent ang pagiging maganda. In short, walang talent si Barbie. Totoo rin kaya yun para sa mga ate namin na nagdesisyon na magpalitrato ng hubad para sa mga magasin para sumikat (Exception nga pala si Yasmien, ayaw nyang mag-pose for men’s ogle catalogs…)? Tingin ba nila matatawag nang talent ang pagpapa-sexy at ang pag-uudyok sa mga lalaki na magpantasya o magkasala dahil sa mga curves at bulges ng kanilang katawan, ayon kay Rica Peralejo (na ironically, isang sexy star din dati)?

Viva Hot Babes. Sexbomb. Katrina Halili. Iwa Moto. Yasmien Kurdi? I refuse to believe na ang mga Pilipinang ito ay walang talent kaya sila nagpapakita ng kalamnan. Bakit, marunong naman kumanta at sumayaw yang mga yan ah. Baka may mga hidden ingenuities pa, who knows.

But then, they dreamt and chose to be living Barbies - to be maliciously looked at by men, and yet to be looked up to by young and not-so-young women. And so the cycle goes on, but one of the aspects of a stereotyped Filipina will remain unchanged, if not worsen: the prostitute - ang babaeng pagpapalit ang lahat, pati ang dangal, upang mapabilis ang proseso ng paghahanap ng kabuluhan at saysay sa buhay… as if may sense yun.

Syemay. Ang incoherent yata nung mga pinagsususulat ko. Gisado na naman ako kay Ma’am. Sheesh. (“,)

No comments: